Saturday, February 21, 2009

growing up

Paki-alamero din ako ng mga gamit sa bahay. Mahilig akong magbusisi pag wala akong magawa. One time, doon sa tukador namin sa living room, may nakita akong babasahin na nakatago. Porno magazine pala yun ng nanay at tatay ko. Sabi ko, ang swerte ko naman. So, gabi gabi, pag may pagkakataon, parati ko itong tinitignan, hanggang hilahin ko ang ang aking mga nakatatandang kuya at ate, para makita din nila. Laking gulat ko ng isang araw, may napunit na pahina doon sa magazine. Nahuli tuloy kami, ngunit ang pinagalitan ng todo ay yung eldest brother ko. Wawa naman noh, ako yung pasimuno, iba yung napag initan. Anyways, marami pang insidente na nagpamulat sa akin sa kamunduhan, pero ibang kwento naman yun.
Dumating din ang panahon na naghirap ang pamilya namin. Natapos ang irrigation project sa bicol, kaya nalipat ang tatay sa mindanao. Wala kaming nagawa kundi lisanin ang probinsya at tumungo sa maynila, sa nirerentahan ng lola at antie ko. Bale, nakatira sila sa may squatters area ng qc. Nalipat kami ng school din. Since dalawang taon na lang, gagradweyt na ang kuya ko sa high school, kaya nag paiwan sya sa bicol. Kami naman, kasama ng nanay ko, lumipat kami ng maynila. Doon sa syudad mas lalo akong namulat, di lamang sa kamunduhan, pati na rin sa kahirapan. Kung bibilangin mo kung ilang pamilya ang nakatira doon sa squatters area, magugulat ka siguro. Madilim, madumi, mabaho, ang daming tao, ang daming tambay na nag-iinuman. parating may nag aaway, nag sisigawan. Dahil sa wala nga kaming pera, nalipat ako sa isang public school. sobrang adjustment din sa akin, dahil ibang iba pag public school pala. Walang naglalaro or nagtatakbuhan pag recess, yung mga klasmeyts mo, iba ang tingin sa yo, ehh di pa naman ako magaling mag tagalog nun. Pero syempre, kahit saan ka naman ilagay, kailangan mong mag adjust at makisama. Sa bahay, minsan walang padala ang tatay ko, kaya puro utang sa sari sari store ang ginagawa namin. Minsan, nagtitiis sa asin at kanin, pero nakakaraos din naman. Ganun talaga kung mahirap ka, kailangan pag kasyahin mo kung ano meron ka. Ilang taon din namin tiniis ang ganuong sitwasyon. Naranasan ko ang kasaganahan, at kahirapan, kaya masasabi ko, na kahit saan man ako dalhin ng aking kapalaran, mawala man lahat ng karangyaang tinatamasa namin ngayon, kaya kung mabuhay kung babalik kami sa kahirapan.
to be continued................

No comments:

Post a Comment