Thursday, April 16, 2009

first job

Nung hindi pa ako pasado ng board exam, pagkatapos ng college, naisipan ko nun maghanap ng trabaho. Apply dito, apply doon, di ko na yata mabilang ang mga interviews na napuntahan ko. Andyan na sisimulan nila ng tanong na "tell me something about yourself?" Syempre, kailangan straigth english, kahit minsan mali mali ang sagot. Then next question naman nila. "What are your strength and weaknesses?" Hay buhay! Sa atin kasi, very particular sa mga pinoy na icriticize ang ating grammar and diction, isali mo pa, parati akong nauubusan ng english word at natutuloy sa nose bleed , hehehe!! joke! Nandyan na napasok ko pa ang sale, at nabentahan ko pa yung kawawa kong antie ng mga encyclopedia na libo ang halaga, na gusto lang naman ay ipakita ang suporta sa akin. Natanggap ko ang commission ko nung sumunod na araw dahil nakabenta ako, pero parang bulang naglaho naman, dahil nawala ang wallet ko sa bus. Di ko alam kung nanakaw o di kaya ay nahulog ko. Plano ko pa naman noon na bumili ng beeper, hehehe!!! Uso na nun ang malalaking cell phone, pero di ko naman afford. Pero isa na yata yun sa pinaka worst na nangyari sa akin. Di na ako bumalik sa trabahong yun, pinangako ko na i will never be in the sales business again. Pero di ako nadala. Ang benenta ko naman, sarili ko. May isa kasi akong kaibigan, ang raket, pagmamasahe. Syempre, gustong gusto kong magkapera, kaya pinasok ko rin yun. Nandyan yung nag-aadvertise ako sa buy and sell for massage service. Syempre, magaling talaga ang mga kamay kong humimas ng katawan. Karamihan ng mga kostumer ko, talagang satisfied, dahil alam ko talaga kung paano magmasahe, namana ko yata sa mahal kong lola na naghihilot nuong panahon ang skills ko dito. Yung iba naman, di talaga masasatisfy, ehh paano ba naman, extra service ang hanap. Pero, syempre, minsan, bibigay ka rin. Nandyan na may minasahe akong mag asawa, tapos gusto pala nila kasali ako, syempre, exciting, pero nakakatakot. Nandyan din na dumating yung asawa habang minamasahe ko, tapos dali dali akong pinatago. Grabeh ang kaba!! Dami rin akong naging kostumer na mayayaman, at mataas ang estado sa buhay. Ginawa ko rin yun ng ilang taon. Ang realization na kailangan ko ng itigil, ay nung may nanghaharass na sa akin sa phone. Sobrang bad trip talaga yun, kasi pati sa pamilya ko at mga kaibigan, sinisiraan na ako. Kaya napag-isipan ko na itigil na rin sya. At that time, bumalik na rin ako sa eskwela, at pumasa na rin ako sa board exam ko. Naisip ko to charge it to experience na lang. It was good while it lasted, kasi yun ang kainitan ng pag explore ko rin. Pero minsan, pag naaalala ko, nakakalibog pa rin sya. Anyway, it was an experience to remember para sa akin.

Sa Aking Pag-iisa - Regine Velasquez

Wednesday, April 15, 2009

ako!!!

I am a dreamer. I often look towards the future, anticipating what my next move is. I try to make plans ahead, gusto ko calculated lahat, and di masyado risky, pero di naman nasusunod or nangyayari minsan. And sometimes, it frustrates me, but that doesnt mean na im gonna quit na lang if i dont get what i want. Sabi nga nila, try and try until you succeed, diba!

Restless soul din ako. Di mapakali pag walang ginagawang importante sa buhay. kalikut dito, kalikut doon, Gusto ko parati akong busy. I love to learn new things, kahit na tatanga tanga ako minsan, pero mabilis naman akong mag pick-up. Para sa akin kasi, lahat naman ng bagay natututunan. Saka naniniwala ako sa worth ko. Alam ko, competent ako sa Profession ko, at syempre Mapagmahal akong tao. Yan ang tatak ng karamihan ng Pinoy. Na we know how to care for people.

Hindi rin madaling makuha ang trust ko. I dont trust people easily. I see motives behind action. Alam ko kung pinapaikot ako or niloloko. Pero may pagkakataon na i still go along with it, even though alam ko na lokohan lang pala.

Mahaba rin pasensya ko, at hindi ako madaling magalit. I hate confrontation as much as possible, pero kung di maiiwasan, di ako umuurong sa laban. Hindi ako martyr. Mahaba rin ang sungay ko.

Mahiyain din akong tao. Marunong naman akong makibagay, pero ayaw ko kasi na ako ang center of attention. I just want to be a part of the crowd na di pinapansin at nag oobserve lang, or nakikitawa lang.

My family is the most important thing in my life. They are my strength and motivation. Sila ang reason kaya ako ay nagpupunyagi.

I try to pray everytime na may oras ako. Im not a church goer or super religious. Sa akin, i just pray sa chapel and talk to him directly. I always include in my prayers syempre ang world peace and love for everyone. Parang pang miss U, ano!!! hehehe

Ito ang ilan sa mga aspeto ng personalidad ko. Maraming humubog sa pagkatao ko. May mga pagkakataon na napapariwara ako, pero di ako takot hanapin ang tamang kalye na dadaanan ko. Madalas akong madapa, pero kaya ko kasing tumayo sa sarili kong paa at kaya ko rin gamutin ang mga sugat ko. Ganun kasi ako namulat. Pinatapang ng panahon at ng karanasan.

Monday, April 13, 2009

My life is my own!!!

My life is my own. Hindi dumidepende ang buhay ko sa ibang tao. Whatever happens in my life, be it good or bad, kung ano man ang naging desisyon ko sa buhay, wala akong sisisihin kundi sarili ko. Sabi nga nila, "hila mo, buntot mo". Ganun na ang pagtingin ko sa buhay since bata pa ako. Kung ano man ang narating ko or mararating ko pa, alam ko na maraming taong tumulong at tutulong pa along the way. Pero hindi ibig sabihin na dapat nakatali sa mga tulong na yun ang utang na loob ko. Feeling ko, kaya naa-abuse ang concept ng utang na loob, dahil sa notion na pag tinulungan ka ng isang tao, habang buhay ka ng indebted. Well, ibahin nyo ako. Para sa akin, pag tumulong ang isang tao, di nag-aantay ng kapalit yun. Darating ang pagkakataon na maibabalik mo rin ang tulong na yun sa ibang tao. Pag nagawa mo yun, bayad ka na. Naaalala ko tuloy ang tatay ko, dahil sa utang na loob na yan, kaya tini-take advantage sya ng mga kamag anak namin. Well, life is what we make out of it. Kung uncoventional man ang thinking ko, hinubog kasi yun ng mga karanasan ko. Kung ano man ang mga plano ko sa buhay, makakaasa naman ang family ko, at mga tao na malapit sa akin na kasama sila sa aking mga plano. Kung saan man ako dalhin ng kapalaran ko, wala akong sisihin na tao, dahil in the end, "I am the master of my faith. And i am the captain of my soul".

Sunday, April 12, 2009

i passed!!

I took my law exam yesterday at prometrics for my endorsement of PT license to DC, and im happy to say na I passed, yehey!!! wala lang. Im planning kasi to work sa dc, maybe within the year, and it took me at least 1 month just for processing of my application. Anyway, im glad na its over na, now i can focus naman on other things. Im planning kasi to take the toefl ibt within the next few months, so that i can enroll sa transitional dpt, then im gonna go for the ACSM certification. Its hard when you put your action to plan, but its sweeter once you accomplished what you've set out to do. Dami ko pang dreams na i want to fulfill kasi, and sabi nila, you only live once, and you will only pass this way once, so why not make the most out of it. I dont want to have regrets in the future na i did not do something with my life. Im ready to experience life and all its complexities, so bring it on!

Thursday, April 9, 2009

sekreto

Sino ba ang walang sikreto? In my own view, lahat naman ng tao, merong tinatagong sikreto. Pero ang connotation kasi na may lihim ka na tinatago, negative na kaagad ang dating. Pero for me, it could be a good thing din. Kasi, as a person, you have to keep something for yourself. Like, sa sexual orientation, hindi naman dapat ipangalandakan na bakla ka. Syempre, yung mga closest friends mo, alam nila, pero hindi ka obligado na sabihin ito sa lahat ng tao. Sometimes, we say, "my life is an open book". Pero how open can you get ba? Kung iki-kwento ko lahat ng nangyari sa buhay ko, it will take a lifetime to write my story. In the end, ang pananagutan mo, ay sa saril mo. Kailangan umayon ka sa mundong ginagalawan mo, dahil may pamantayan ng tama at mali. Basta wag ka lang mananakit ng kapwa tao, mangloloko at manglalamang, para sa akin, ibigay mo na lang ang respeto na wag ng alamin ang lihim hanggang dumating ang panahon na sya na mismo ang magsasabi sa yo.