bata pa lang ako, hilig ko na talagang mag volunteer. Hilig ko ng makialam sa mga social issues, at maging pro-active participant bilang kabataan. I became more involved during my high school years. Nasali ako sa mga youth organizations sa qc. Isa dito, yung SIKAP or Sibikong Kabataang Pinoy. Namulat ang aking social consciousness, at tumulong sa mga programang related sa kabataan. Pero syempre, pagdating ng college, naging mas naging priority ko ang pag-aaral. Dumating din ako sa stage ng aking buhay, kung saan nag-rebelde ako, naging confused, and nag explore ng iba't ibang bagay. Lalong lalo na nung natikman ko na masarap pala ang sex. Pero syempre kasama nung pakikipag one night stand at pakikipag relasyon yung mga takot na baka makakuha ako ng sakit. Nung panahon na very active ang aking sex life, doon ko rin naisipan na mag volunteer sa Remedios AIDS Foundation. Umattend ako ng kanilang workshop para maging AIDS hotline counselor. Yung tipo na ikaw ang sasagot ng phone at magbibigay ng impormasyon or counseling sa mga taong tumatawag. Syempre, para maging effective ka, kailangan mong dumaan sa mga training. Di ka naman nila kaagad isasabak na di ka pa handa. Dito ko nakilala yung mga bago kung mga kaibigan. Nandyan si uly, ate john, ate greyz, ate ana, mila, iano, at marami pang iba. may mga naging kaibigan din akong positibo sa HIV na nagbigay ng testimony at that time, sina ate liza, gina, archie, kuya mar. Dami kong natutunan sa kanila. Doon, tanggap ka nila, kahit ano pa ang pinag daanan mo sa buhay. Nung nakapag simula na ako sa hotline, may mga ibang oportunidad pa na dumating. Natuto akong mag outreach work. Nandoon na pupunta kami sa mga tinatambayan ng mga sex workers, para magbigay ng edukasyon, counseling at condom. Andyan na hatinggabi, naglalakad kami sa sta cruz, manila, o sa ermita. Nandyan na dayuhin namin ang mga clubs at bars, pati na rin ang mga sinehan, na maraming himala ang nangyayari. Marami akong natutunan sa mga tao na nakasalamuha ko. Nakilala ko sila, at naging mga kaibigan, at in a way, mas naunawaan ko ang kanilang pinagdadaanan. Natatandaan ko na muntikan pa kaming mabagansya, or kikilan ng mga pulis. Sobrang nakakatakot, pero exciting. Feeling ko may kabuluhan ako sa mundo, dahil may ginagawa ako para makatulong. Pero syempre, may ulterior motive din ako. Dahil gusto ko rin na tulungan ang sarili ko. Nasubukan ko rin kasi na mag sex work, hindi dahil sa pangangailangan, kundi dahil sa trip ko lang. Somehow, nahanap ko ang sarili ko sa pagrerebelde ko. Isang mahirap na proseso, pero naging masaya ako. Ilang taon din ako na naging outreach worker, hanggang sa nag apply na ako sa kanila ng trabaho. Naging project coordinator ako ng isa nilang proyekto. Mahirap ang trabaho, kasi multi tasking. Naging pangalawang tahanan ko naman ang tondo, dahil doon ang target ng proyekto. Syempre, takot din ako, kahit papano, dahil sa nabuong notion sa isipan ko na maraming masasamang tao sa tondo. Pero doon ako nagkamali, dahil sa ilang taon ko na pag outreach work doon, kahit gabi, ni wala man lang kahit anong masamang nangyari sa akin. Mas naging matatag ako ngayon dahil sa pinag daanan ko. hindi ako naghihinayang na naging NGO worker ako, at naging bahagi kahit papaano ng mga taong natulungan ko.
No comments:
Post a Comment