Thursday, February 19, 2009

Amerika

When I came here sa Amerika, I thought magiging kontento ako, because my dream has been fulfilled. Halos lahat kasi syempre ng mga nasa medical field, ultimate destination ang ‘tate. Pero syempre, masarap lang mag trabaho dito, kasi dollars ang bayad. Other than that, mas masarap pa rin buhay sa Pilipinas.
My first few months here was really a struggle. Although i have my family with me, dami ko pa rin talaga adjustments and coping up. Di mo maiwasan maiyak minsan, pero syempre, ganun talaga siguro pag nawalay ka sa bayan mong sinilangan at sa pamilya mo.
Pero sabi nga nila, life goes on, and you have to keep up with the pace. You meet new people, and new friends, and you create your own social circle. Saka, magkakaroon ka rin ng maraming utang, kakagamit ng credit card para mabuild ang credit line mo. You’d be able to buy your own new car, laptop, gps, and a lot of things, kasi you can afford it na. Tutal, magkano lang naman ang monthly payment nun, kasi nga utang. Wag mo rin kakalimutan magtabi ng pera para makapag padala ka sa ‘Pinas. Syempre, ayaw natin nahihirapan yung mga kaanak nating naiwan, especially since tumaas na ang presyo ng maraming bilihin, kuryente, telepono, renta sa bahay. Yung padala mo na $600, hindi na syempre kasya. Dapat doblehen mo na, dahil depreciated na ang pera ng Amerika.
Marami pa rin akong plano sa buhay. Hindi na para sa akin, kundi para sa pamilya ko. Gusto kong magkaroon ng sariling bahay syempre sa Pilipinas, kasi nagre-rent lang kami doon. Gusto kong bilhan ng kotse ang tatay ko. Gusto kong tulungan yung iba naming kamag-anak na naghihirap.
Daming plano, pero na-realize ko na kaya ko nang gawing realidad ang mga yun, basta magsisipag akong magtrabaho at magtatabi ng pera para makapag-ipon. Kung nandyan ako sa Pinas, di ko siguro magagawa ang mga plano ko. Malabong malabo, kasi nung nagtatrabaho ako dyan, pinakamataas na monthly sahod na natatanggap ko, nasa 15 thou pesos lang. Dito, kaya mong kitain ng isang araw na trabaho yun, may sobra pa. Kailangan lang talaga ng sakripisyo.
Buti na lang may filipino channel, kahit papaano, napapanood mo ang traffic sa Edsa, nasusulyapan mo ang MRT, bus at jeep at mga kababayan mo. May mga programa ka ring mapapanood tungkol sa kahirapan na pinagdadaanan ng mga naiwan nating kababayan, at mare-realialize mo na maswerte ka dahil maganda na ang buhay mo, at may tsansa ka na makatulong sa iba. Kaya di parin ako nakakalimot na tumulong, kasi dapat marunong kang mag share ng blessings mo para patuloy kang bigyan ng pagpapala ng Diyos.
Inaasam ko parin na makauwi sa bawat bakasyon ko. At matupad ang mga plano ko. Kaya kitakits tayo pag uwi ko, lalo na sa mga pamilya kong naiwan, at mga kaibigan ko sa St. joseph, perpetual, eac, remedios, tlf at iba pa.

No comments:

Post a Comment