Tuesday, July 7, 2009

life

When I was growing up, I was made to believe na pag umiyak ka, its a sign of weakness, na your not "man" enough daw. That's why whenever pinapagalitan ako or may malaki akong problema, i would never cry infront of my family or anyone for that matter and just keep it to myself na lang. What I would do, is once I get back to my room, I would close the door and that's the time na I will cry, na pigil pa, yung tipong masakit sa dibdib. Pero that was before. Now, i have learned to open up my emotions, and kung gusto kong umiyak, iniiyak ko talaga. I would also share what im feeling with my nanay and siblings, at mga kaibigan. Syempre, i also pray, and share it with God. Sometimes, we want to project an aura na Matapang tayo, na kaya natin lahat, pero deep in side, we're crumbling. Thats why, we tend to wear an armor, para ang nakikita lang ng tao ay yung masayang side. Problems are part of anyone's life. It is what makes us human. Sometimes, we experience the ups and downs of life, pero we should realize na life is beautiful even with all its complexities. The journey maybe riddled with thorns, pero once you surpass it, nandoon ang fulfillment. Kaya sabi ko sa sarili, I would never give up on myself and on any person for that matter. At we should learn to forgive ourselves sa mga shortcoming at mistakes natin. And we should realize na sa buhay ng tao, marami kang chances na itama kung ano man ang mali. Kaya, don't be afraid to experience life.

burn out

Napansin ko lately, parati na akong late sa mga paperworks ko. Pagod na rin ako magtrabaho. I know naburn out na ako. That's why i decided to take it slow again. Syempre kailangan ko mag-recharge, at mag reflect ulit sa mga plans ko sa buhay. And im also transitioning into another branch, kaya they are actually building up my patient load again, kaya pa-isa isa or dalawa lang ang nakikita kong pasyente. Pero nakakabato pala pag wala kang ginagawa, hehehe!! Syempre, going to YMCA keeps me occupied naman. Im working out ng todo to use up my excess energy. At Syempre, surfing the net, and watching tfc, isali mo pa ang pag shopping para mapuno ang box na ipapadala ko sa Pilipinas. Nakapag career planning na rin ako and im ready to go back to school again by next year. Syempre, online naman ang mode of teaching. That's why i have to complete my credentials, para wala ng hassle. And im set for my vacation before the end of the year. Hopefully, this measures would give me the boost I need to get that motivation going.

Tuesday, June 30, 2009

lanham

Starting bukas, ill be reporting na to another branch, and ill be serving the area of Annapolis, Laurel and Anne Arundel. Kanina, while I was driving, i cant help but be sad, because I will really miss the people na nakatrabaho ko. Its been a pleasure working with them talaga. I have learned a lot for the one year na I stayed with them. As I turn another page in my life, Im ready again to face a new chalenge, and to be the best that I can become.

MJ

I know its been several days na when one of the greatest music icon has passed away. MJ would probably become a music legend forever. I'm just sad na he is gone already. And somehow, because of the controversies that he experienced, segments of our society have condemned him to oblivion long before his demise. And nakakahinayang, because he could have given us more of his music and talent. My point is, kung ano man ang mga nagawa nya in his private life, we should have been able to separate that from his other persona. For me, he is the greatest artist of his time, and his music will forever trailblaze. I remember, ang una kong napanood noon na music video nya sa mtv ay ang thriller. He has broken a lot of barriers, and he has touched a lot of people because of his music, including mine.

Thursday, June 18, 2009

Go the Distance - Michael Bolton

on the move!!

Well, im set to move out of phri baltimore and move to another branch, at phri lanham by start of July. And our lease in our apartment will end by august naman, so sayang ang natitirang buwan, pero ok lang. And its gonna be another adventure for me again. Syempre ma-mimiss ko ang mga co-workers ko. Although may mga attitude problems ang iba, kasama na ako, hehehe!!! ganun talaga pag mixed ang grupo. Its gonna be another year of working again with the same company, pero a different branch, then im out of here, pero next year pa naman. I have a lot of plans pa kasi. And I want to try different clinical settings sa aking practice. And im planning to go back to school again. Another thing is, im also planning to go home soon, syempre for vacation lang. I can't wait for that day to come. Im on my third year na here sa Amerika, and somehow, na imbibe ko na ang fast paced life dito. I have to do my laundy, pag paplantsa ng mga damit, grocery, do errands, mag linis at magkuskus ng inidoro, mag hugas ng pinggan and many more na hindi ko na mabilang. Namiss ko tuloy kasambahay namin, hehehe!!! Anyway, its a good life, so i can't complain. Kaya dito, wala kang oras malungkot, dahil ang daming mga gawain sa araw araw. Pero i miss 'Pinas talaga. Di ako masyado nationalistic, pero nung nandito na ako, i learned to appreciate my roots. Kaya im proud to be Pinoy! Anyway, im always on the move, kahit saan ako isalpak, kakayanin ko. We make things work, and adapt the best way we can. So whatever comes my way, im gonna be always on the move!

Tuesday, June 9, 2009

political view..

Here are my views on the political front sa ating bansa. Wala na ba tayong kadala dala kay erap. I mean, he is one of the worst president who ever became a head of state. Have we forgotten about the billions of pesos that he had stolen from our country? Ang tamad tamad pang magtrabaho at wala pang management skills. He keeps telling us he is for the poor, pero mayaman naman sya. And he wants to be President again. Im not a fan of Gloria din, but she is really doing a good job naman, kasi masipag sya, and she makes good decisions for the country. Wag nyo lang isali yung karakot nyang asawa, na dapat nakakulong na rin because of corruption. The next president should be someone na will take good care of the country. Basta marunong magpalakad ng programa at hindi kurakot. Yung makatao, may takot sa diyos, at may pagmamahal sa bansa. It could be anybody, except Erap and Gloria.

music defines my life.....

Mahilig ako sa musika. Bata pa lang ako, alam ko, parte na ng buhay ko ang musika, at pagkanta. I can actually say na ako ay 80s at 90s baby, hehehe!!! Siguro, dahil kapanahunan ko yun. Una kong nasilayan ang MTV nung elementary pa lang ako. Mahilig kasi ang tatay ko na mag rent ng betamax tape, tapos papanuorin namin. Nandyan din ang radio at mga cassette tapes. Lahat yata ng puedeng kantahin nung panahon na yun, kinakanta ko, at namememorize ko pa ang lyrics. Ehh sa school, hirap akong magsa-ulo ng mga lessons, pero pag musika na ang pinag usapan, ang dali ng memory recall ko. Di naman kagandahan ang boses ko. Masasabi ko na pasado naman sya kapag pinakinggan mo. Ika nga nila, i can carry a tune. When im happy, music reflects my mood. When im sad, music makes me cry naman. And when im angry, music soothes my nerves. Hilig ko nung bata pa ako ang mga kanta ni madonna, sharon cuneta at iba pa. Parati kong kinakanta ang like a virgin, pero ngayon skin pores na lang ang virgin sa akin, at bituing walang ningning, feeling ko, ako si sharon cuneta sa bukas luluhod ang mga tala. Hilig ko rin nuon ang new kids on the block. Nung lumabas ang guns and roses and metallica, naging rakista naman ako. Hindi ko makakalimutan ang eraserheads. Hindi pa sila sikat nuon, pinapakinggan ko na ang kanilang musika. Halos lahat na yata ng kanta nila nasaulo ko na, kaya nung sumikat sila, kakatuwa dahil alam kong kantahin ang lyrics ng musika nila. Ang all time fave artist ko syempre, walang iba kundi si regine velasquez. Mahilig kasi ako dun sa bumibirit pag kumakanta. Ilang concerts na ang aking napanood para makita lang sya at ilang album na ang aking binili para lang paulit ulit na pakinggan ang tinig nya. Ang parati ko namang kinakanta includes "never ever say goodbye", "hang on", at "my love will see you through". Idagdag mo na rin ang "lead me lord". Tatak ko na yata ang mga kantang yun, kasi sa bawat okasyon sa buhay ko, yun ang parati kong kinakanta sa videoke. Kaya music defines who I am today. Its part of my life, and and my whole being. In every stage of my life, may kaakibat na musika. Puedeng hindi ko na ikwento ang buhay ko, and music will be the one na magkikwento nito. Ganun ang musika sa buhay ko. Madami pang bagong musika akong pakikinggan at magiging parte ng buhay ko, Kaya kapag nagkita tayo, tanungin mo na lang ako kung ano pinakikinggan ko at that time, dahil sigurado, yun ang kwento ng buhay ko.

Thursday, April 16, 2009

first job

Nung hindi pa ako pasado ng board exam, pagkatapos ng college, naisipan ko nun maghanap ng trabaho. Apply dito, apply doon, di ko na yata mabilang ang mga interviews na napuntahan ko. Andyan na sisimulan nila ng tanong na "tell me something about yourself?" Syempre, kailangan straigth english, kahit minsan mali mali ang sagot. Then next question naman nila. "What are your strength and weaknesses?" Hay buhay! Sa atin kasi, very particular sa mga pinoy na icriticize ang ating grammar and diction, isali mo pa, parati akong nauubusan ng english word at natutuloy sa nose bleed , hehehe!! joke! Nandyan na napasok ko pa ang sale, at nabentahan ko pa yung kawawa kong antie ng mga encyclopedia na libo ang halaga, na gusto lang naman ay ipakita ang suporta sa akin. Natanggap ko ang commission ko nung sumunod na araw dahil nakabenta ako, pero parang bulang naglaho naman, dahil nawala ang wallet ko sa bus. Di ko alam kung nanakaw o di kaya ay nahulog ko. Plano ko pa naman noon na bumili ng beeper, hehehe!!! Uso na nun ang malalaking cell phone, pero di ko naman afford. Pero isa na yata yun sa pinaka worst na nangyari sa akin. Di na ako bumalik sa trabahong yun, pinangako ko na i will never be in the sales business again. Pero di ako nadala. Ang benenta ko naman, sarili ko. May isa kasi akong kaibigan, ang raket, pagmamasahe. Syempre, gustong gusto kong magkapera, kaya pinasok ko rin yun. Nandyan yung nag-aadvertise ako sa buy and sell for massage service. Syempre, magaling talaga ang mga kamay kong humimas ng katawan. Karamihan ng mga kostumer ko, talagang satisfied, dahil alam ko talaga kung paano magmasahe, namana ko yata sa mahal kong lola na naghihilot nuong panahon ang skills ko dito. Yung iba naman, di talaga masasatisfy, ehh paano ba naman, extra service ang hanap. Pero, syempre, minsan, bibigay ka rin. Nandyan na may minasahe akong mag asawa, tapos gusto pala nila kasali ako, syempre, exciting, pero nakakatakot. Nandyan din na dumating yung asawa habang minamasahe ko, tapos dali dali akong pinatago. Grabeh ang kaba!! Dami rin akong naging kostumer na mayayaman, at mataas ang estado sa buhay. Ginawa ko rin yun ng ilang taon. Ang realization na kailangan ko ng itigil, ay nung may nanghaharass na sa akin sa phone. Sobrang bad trip talaga yun, kasi pati sa pamilya ko at mga kaibigan, sinisiraan na ako. Kaya napag-isipan ko na itigil na rin sya. At that time, bumalik na rin ako sa eskwela, at pumasa na rin ako sa board exam ko. Naisip ko to charge it to experience na lang. It was good while it lasted, kasi yun ang kainitan ng pag explore ko rin. Pero minsan, pag naaalala ko, nakakalibog pa rin sya. Anyway, it was an experience to remember para sa akin.

Sa Aking Pag-iisa - Regine Velasquez

Wednesday, April 15, 2009

ako!!!

I am a dreamer. I often look towards the future, anticipating what my next move is. I try to make plans ahead, gusto ko calculated lahat, and di masyado risky, pero di naman nasusunod or nangyayari minsan. And sometimes, it frustrates me, but that doesnt mean na im gonna quit na lang if i dont get what i want. Sabi nga nila, try and try until you succeed, diba!

Restless soul din ako. Di mapakali pag walang ginagawang importante sa buhay. kalikut dito, kalikut doon, Gusto ko parati akong busy. I love to learn new things, kahit na tatanga tanga ako minsan, pero mabilis naman akong mag pick-up. Para sa akin kasi, lahat naman ng bagay natututunan. Saka naniniwala ako sa worth ko. Alam ko, competent ako sa Profession ko, at syempre Mapagmahal akong tao. Yan ang tatak ng karamihan ng Pinoy. Na we know how to care for people.

Hindi rin madaling makuha ang trust ko. I dont trust people easily. I see motives behind action. Alam ko kung pinapaikot ako or niloloko. Pero may pagkakataon na i still go along with it, even though alam ko na lokohan lang pala.

Mahaba rin pasensya ko, at hindi ako madaling magalit. I hate confrontation as much as possible, pero kung di maiiwasan, di ako umuurong sa laban. Hindi ako martyr. Mahaba rin ang sungay ko.

Mahiyain din akong tao. Marunong naman akong makibagay, pero ayaw ko kasi na ako ang center of attention. I just want to be a part of the crowd na di pinapansin at nag oobserve lang, or nakikitawa lang.

My family is the most important thing in my life. They are my strength and motivation. Sila ang reason kaya ako ay nagpupunyagi.

I try to pray everytime na may oras ako. Im not a church goer or super religious. Sa akin, i just pray sa chapel and talk to him directly. I always include in my prayers syempre ang world peace and love for everyone. Parang pang miss U, ano!!! hehehe

Ito ang ilan sa mga aspeto ng personalidad ko. Maraming humubog sa pagkatao ko. May mga pagkakataon na napapariwara ako, pero di ako takot hanapin ang tamang kalye na dadaanan ko. Madalas akong madapa, pero kaya ko kasing tumayo sa sarili kong paa at kaya ko rin gamutin ang mga sugat ko. Ganun kasi ako namulat. Pinatapang ng panahon at ng karanasan.

Monday, April 13, 2009

My life is my own!!!

My life is my own. Hindi dumidepende ang buhay ko sa ibang tao. Whatever happens in my life, be it good or bad, kung ano man ang naging desisyon ko sa buhay, wala akong sisisihin kundi sarili ko. Sabi nga nila, "hila mo, buntot mo". Ganun na ang pagtingin ko sa buhay since bata pa ako. Kung ano man ang narating ko or mararating ko pa, alam ko na maraming taong tumulong at tutulong pa along the way. Pero hindi ibig sabihin na dapat nakatali sa mga tulong na yun ang utang na loob ko. Feeling ko, kaya naa-abuse ang concept ng utang na loob, dahil sa notion na pag tinulungan ka ng isang tao, habang buhay ka ng indebted. Well, ibahin nyo ako. Para sa akin, pag tumulong ang isang tao, di nag-aantay ng kapalit yun. Darating ang pagkakataon na maibabalik mo rin ang tulong na yun sa ibang tao. Pag nagawa mo yun, bayad ka na. Naaalala ko tuloy ang tatay ko, dahil sa utang na loob na yan, kaya tini-take advantage sya ng mga kamag anak namin. Well, life is what we make out of it. Kung uncoventional man ang thinking ko, hinubog kasi yun ng mga karanasan ko. Kung ano man ang mga plano ko sa buhay, makakaasa naman ang family ko, at mga tao na malapit sa akin na kasama sila sa aking mga plano. Kung saan man ako dalhin ng kapalaran ko, wala akong sisihin na tao, dahil in the end, "I am the master of my faith. And i am the captain of my soul".

Sunday, April 12, 2009

i passed!!

I took my law exam yesterday at prometrics for my endorsement of PT license to DC, and im happy to say na I passed, yehey!!! wala lang. Im planning kasi to work sa dc, maybe within the year, and it took me at least 1 month just for processing of my application. Anyway, im glad na its over na, now i can focus naman on other things. Im planning kasi to take the toefl ibt within the next few months, so that i can enroll sa transitional dpt, then im gonna go for the ACSM certification. Its hard when you put your action to plan, but its sweeter once you accomplished what you've set out to do. Dami ko pang dreams na i want to fulfill kasi, and sabi nila, you only live once, and you will only pass this way once, so why not make the most out of it. I dont want to have regrets in the future na i did not do something with my life. Im ready to experience life and all its complexities, so bring it on!

Thursday, April 9, 2009

sekreto

Sino ba ang walang sikreto? In my own view, lahat naman ng tao, merong tinatagong sikreto. Pero ang connotation kasi na may lihim ka na tinatago, negative na kaagad ang dating. Pero for me, it could be a good thing din. Kasi, as a person, you have to keep something for yourself. Like, sa sexual orientation, hindi naman dapat ipangalandakan na bakla ka. Syempre, yung mga closest friends mo, alam nila, pero hindi ka obligado na sabihin ito sa lahat ng tao. Sometimes, we say, "my life is an open book". Pero how open can you get ba? Kung iki-kwento ko lahat ng nangyari sa buhay ko, it will take a lifetime to write my story. In the end, ang pananagutan mo, ay sa saril mo. Kailangan umayon ka sa mundong ginagalawan mo, dahil may pamantayan ng tama at mali. Basta wag ka lang mananakit ng kapwa tao, mangloloko at manglalamang, para sa akin, ibigay mo na lang ang respeto na wag ng alamin ang lihim hanggang dumating ang panahon na sya na mismo ang magsasabi sa yo.

Thursday, March 26, 2009

work out

This is my second time na to go to the gym. I just actually started this week. I feel na kailangan ko na to do something about my health, since I just recently had a surgery. My motivation is more on taking care of my health, at secondary na yung pagkakaroon ng fit at well toned na katawan. It really feels good to do cardio work out, and muscle toning again. Before I left kasi for the States, i was going to fitness first in southmall, to do my work out for several months. Pero na-stop nung pumunta ako here. And now that im already settled, i can start balancing my schedule, and gain equilibrium syempre. Kailangan may social life ka, wag din ineglect spirituality, along with my physical and emotional well being. My work kasi entails na i create exercise program for my patients. So why not create one for myself, right! Ehh ang mahal pa naman ng trainer sa ballys fitness. 100 bucks daw per session. Ano sila hilo, hehehe!!! And I have a physical therapist housemate na puede ko rin hingan ng exercise program, kaya lang nagpapabayad, hehehe!!! So, i m just happy na im putting my plan into work. And I plan to go for the ACSM certification within the year, to become a certified clinical exercise specialist. Might as well practice what i preach.

Sunday, March 22, 2009

Angels Brought Me Here - Carrie Underwood

college

When I was young, i still remember na I wanted to become an astronaut. You see, im always fascinated by scifi movies na napapanood ko at that time. And then, youth brougth my idealism and activism. I said, "I wanted to get involve on social and political issues". So, my dream was to become a lawyer naman. When I finished high school, I said im going to take political science as a precursor to becoming a lawyer. But faith has its own plan for me. My family did not support my dream. They wanted me to become a nurse, since both my nanay and my older sister are nurses. Well, I said to myself, " ayaw kong mag nars, kung gusto nyo, physical therapy na lang, para maiba naman." At that time, i knew little about physical therapy. Ang alam ko was that it was in demand in the US. So, I enrolled in a PT program. At that time, there were so many of us. Of course everyone wanted to work in the States. But it was'nt an easy journey. We were made to believe that we were the "cream of the crop" and to maintain that status, everyone must fight for survival, so it was "battle of the fittest" for everyone. Pero in the midst of college life, I've developed a lot of friendship. Tatandaan ko pa sina anthony so, nancy rafanan, jayzeen ragot, nung first year, 1st sem. Nameet ko naman ang isa sa naging bestfriend ko, si toberts nung second sem, at ang love interest ko na si chat. Naging mga kaibigan ko rin si wendell, rodel, christian, aries, dondi, ely, christopher, jen sia, and many more. Kakatuwa, kasi most of them ay nandito na sa US. There was a time na gusto ko ng mag shift, dahil nahirapan ako. So, when I told my parents, they said "kung hindi mo kaya, mag shift ka na lang to nursing." Pero na-chalenge ako. I wanted my parents to become proud of me. I dont want them to see me as a quitter. So, i continued and finished the course, and passed the board exam eventually. But, what do you know, when I graduated, the US market was closed and there were not a lot of jobs for us in the hospitals. So my nanay offered to shoulder my nursing education while i was not doing anything. I took up nursing, and went through college again for the second time. It was kinda dyahe but fun, kasi mas older ka sa mga klasmeyts mo. but I was not the only second courser naman. May mga may edad pa nga eh. Pero it was really an amazing experience for me. I graduated with my nursing degree, and passed the boards. Now im here in the States, trying to work my butt out.
As I look back, napaka-ironic talaga, i ended up fulfilling my family's dream. Pero, I'm embracing both professions now. I know i will never be a lawyer in the future, but the end result is the same naman. Im helping people with their health needs, and that means that im changing peoples lives, for the better. And for me, that is the ultimate satisfaction.

Wednesday, March 18, 2009

tapang

Ive endorsed my PT license to DC, and ill be taking the jurisprudence exam early next month. I feel na its essential for me to move fast and try to find a part time job, so that i can sustain the promises i made. I try to keep promises that i want to keep, and that includes building a house for my family. Im kinda optimistic, at the same time realistic. I think i can do it.... i believe can. And if it does not materialize now, i know it will happen in the future. My motivation comes from my experiences in the past. Naranasan ko ng tumira sa squatter at maghirap for several years and manggaling sa wala. And whatever blessings I am reaping right now, it comes from the persevence and dreams of so many people who helped me grow up and who believed in me. Hindi rin ako takot bumalik sa hirap, kasi naranasan na namin yun. Dahil sa mga karananasan ko, matapang na ako ngayong harapin ang buhay, dahil pinili kong wag ng matakot, at makipagsapalaran na sa aking kapalaran. I choose to walk the less travelled path, because i know, good and bad experience will mold me to become a true pinoy.

Coldplay - Viva La Vida

plans

I started work again last thursday, coming from a month long hiatus due to health reasons. Im back again, but somehow, something has changed. I have more appreciation now of the work i do. My job entails that i drive all day just to see patients in their homes. Its tough for me, especially since i didnt know how to drive when i first came here. Ive started from scratch, from learning the road, and trying to pass all the exam, and coming to terms with a new culture and environment. But i try to view things as an adventure, and i said to myself i will only pass this way but once, so what the heck!! why not make the most out of it, right!!! Ill be starting going to the gym soon. I owe it to myself to take care of my health this time around, and I hope also that i can just tone my muscles and lose that extra pound. i still have a lot of plans, but im ready now to make them be realized.

Wednesday, March 11, 2009

Mau Marcelo - 'Till My Heartaches End (Philippine Idol)

Love

Masarap ma-in-love, and to have someone special in your life, pero mahirap isustain ang love forever. When you get into a relationship, it takes a lot of hardwork and patience, if you ask me. Minsan tinatanong ko sarili ko, if its better na mas mahal mo yung tao kesa mas mahal ka nya? Or mas magandang mas mahal ka nya, more than mas mahal mo sya? Ideally patas dapat, kaya lang bihira ng mangyari yun. Pero syempre, paano nga ba nagi-gauge ang pagmamahal? Pag faithful ba sya at araw araw kayong magkasama, or yung minsan lang magkita pero sabik sa isa't isa? Daming tanong. Thats why masyadong komplikado ang magmahal. Napansin ko sa sarili ko na pag-bago ang karelasyon ko, gusto kong parati syang nakikita at nakakausap. Madali kasi akong magselos. Pero habang dumadaan ang panahon, mas lumalawak naman ang pag iisip ko, at natutunan ko na maging flexible at mag adjust. Sa Pag-ibig, dapat handa ka ring masaktan. Kasama ng sarap, ang sakit na puedeng mag-end ang relationship nyo. Kaya, mas maganda na enjoy every moment of it, and keep the memories, good or bad, kasi it will mold you, and strengthen you to become better in the end.

Tuesday, March 10, 2009

Change for the better

Its sad seeing a lot of people here being laid off, getting into foreclosures and losing their homes and finding out that their american dream has crumbled. The economy here in the US has really nose dived. Pinoys are no exceptions. A lot of minorities are one of the hardest hit. Come to think of it, before they give the jobs to minorities, americans would have to get a shot for the job first. That's the reason why a lot of minorities are in areas where americans dont like the kind of work - we call it dirty jobs. Lets take for example health related field. Taking care of patients, providing hygiene and personal care, and holistically managing every aspect of that individual's care, is something most americans dont like to do. They tend to be on the blue and white collar job areas. But, i think that with the situation happening now, it will change somehow. But what I know, is that that there will always be hope. As the President has said, "change has come" and we are hoping that it will be a change for the better.

Thursday, February 26, 2009

kuya

Si Jun2, sya ang pinakamatanda sa aming magkakapatid. Nakarating sya ng Amerika dahil may nag-sponsor sa kanyang employer. Graduate sya ng kursong engineering sa isang sikat na paaralan sa maynila. Bago sya umalis, ang dami nyang iniwang mga pangako na tutulong sa amin. Nung nakarating na sya ng Amerika, biglang napako ang lahat ng pangako. Mabibilang mo ang beses kung magpadala sya, na di naman sapat, dahil marami syang utang na iniwan sa kanyang credit card. Minsang nagpadala sya ng pera, syempre tuwang tuwa kami. Nalaman na lang namin ng huli na hindi pala sa amin ang perang ipinadala nya. Yun daw ay para sa isang kaibigan nya na nangangailangan ng tulong. Syempre, nagastos na namin ang pera. At that time, may problema din kami financially. Wala man lang syang pakialam na tumawag at mag usisa sa aming kalagayan. Hanggang sa tuluyan ng hindi na sya nagpapadala sa amin. Tuluyan nya kaming kinalimutan. nagpakasarap sya, parating gumigimik kasama ang barkada at kinalaunan, nakabuntis at nag asawa. Hanggang dumating ang panahon na nawalan sya ng trabaho. Tumira sila ng nung asawa nya sa nanay ko. Inasa nila ang buhay nila kay nanay, na di nag-atubiling tumulong sa kanila. Pero kahit na sila'y naghihirap, parang hindi mo sila kakikitaan ng pagtitipid at pagsusumikap. Lahat ng pang-araw araw nilang gastusin at pangangailan, shoulder ni nanay. Pati sa immigration papers nila, ilang libong dolyar na ang nagagastos na kung iko-convert mo ay ilang milyong piso na ang katumbas, pero hindi pa rin ayos ang papel nila hanggang ngayon. Marami syang mga kasalanan di ko pa kayang patawarin. Until now, kargo pa rin ni nanay ang responsibilidad para sa buong pamilya nya. And to think na sya ang pinaka-matanda sa amin at may asawa na sya. At this moment, pinag-aaral sya ng nursing ni nanay. Hindi kaya ng puso ko na tulungan sya, dahil kami ng kapatid kong babae ang umako ng responsibilidad na iniwan nya sa Pilipinas. Para sa akin, marami ng chances na binigay sa kanya na sinayang niya. Kung mabasa mo man ito, gusto kong malaman mo na parati kang kasama sa prayers ko. Pero enough is enough, tama na ang pang aabuso na ginagawa mo sa family natin. Hindi ko nakikita ang effort na gusto mong baguhin ang kapalaran mo. Dahil sa mga ginawa mo, nawala na ang respeto ko sa yo. Dumating man ang panahon na magkita tayo, ipamukha mo na lang sa akin ang lahat ng sinabi ko. But for now prove me wrong. Have the balls naman to take responsibility for your family. Wag mong iasa sa amin ang buhay mo. Lumingon ka naman sa pinangalingan mo.

Daniel Powter Bad day

broken family

Hiwalay na ang parents ko. When my mother left way back in 1991 to work here sa Amerika, alam ko nuon na baka dumating nga ang sitwasyon na baka magkahiwalay sila. Paniwala ko kasi, long distance relationship dont work, pero I was hopeful na di mangyayari yun. College na ako nung nalaman ko na nanay has divorced my tatay. ang reason ni nanay, she has fallen out of love. Alam nyo kasi, maaga silang nag asawa. Si tatay naman, typical na padre de pamilya na dapat sya ang boss, at nagdedesisyon para sa lahat. Minsan napapagbubuhatan nya ng kamay si nanay. may mga pagkakataon din na sila'y nag aaway, pero nagkakabati naman. The realization of a broken family really hit me hard. I learned about it ng sinabi ng kapatid ko ang kinatatakutan ko. Pauwi ako nuon ng bahay namin sa qc. Habang naglalakad ako, di ko namalayan na tumutulo na pala luha ko. Alam ko na hindi perfect ang family ko, pero syempre, kagaya ng ibang pamilya, nangangarap ako na buo ang pamilya ko at masaya. Pero kahit ganun ang nangyari, di kami pinabayaan ni nanay. Sya kasi ang nagpapaaral sa amin. Tatlo kaming nasa college nuong panahon na yun. Di ko rin naman pinabayaan ang pag aaral ko. Somehow, it became a motivation for me to study really hard. Pero yung mga frustration and anger ko, nauwi sa pagrerebelde. Natuto akong uminom, at mag yosi, at makipag one night stand. It was an avenue for me to numb the hurt na I was feeling. Pero mabuti na lang, dumating din ang realization na mali ang ginagawa ko. Natuto ako to accept kung ano nangyari, and somehow find my self. Ang nanay ko became involved with an American. Pero her life became hell too, kasi yung lalaki ay walang trabaho, lasenggero at masama pa ugali. He was the typical kontrabida na mabait sa amin kung nasa harap si nanay, pero pag talikod, demonyo pala. Pero dumating din yung time na hiniwalayan din sya ni nanay, thank goodness. Nandito na kami nung nangyari yun. Nagkasagutan pa kami ng kupal na yun. Akala nya submissive ang mga asians, di nya alam, mas mahaba pa sungay ko sa kanya. I love my family kasi. They are my strength and motivation. I know things will never be the same, but i'm hopeful about the future.

Wednesday, February 25, 2009

Spring is here

Time really flies so fast. Winter will end soon, and spring is here once more. It really is the best time of the year to go out and enjoy, and also magtrabaho. You see, my job entails that im always on the field. Even if it rain or shine, i dont have a choice but to go out and do my work. Natuto talaga akong mag drive here in the US, kung di ba naman araw araw nasa daan ka, mahahasa ka talaga. Having a car is not a luxury but a necessity dito. It means freedom for me, because I am able to go whenever or wherever I want to go without depending on anyone na i-dirve ako. One of the essential things na kailangan meron ako, would be my garmin gps. Di ko pa kabisado mga daan here, so I depend a lot on my gps. Kaya lang minsan maloko tong gps ko. Parating long way, instead na shortcut ang dadaanan nya. Pero ok lang, mahilig naman akong mag nature tripping. The gps im using right now ay hiram ko lang sa kapatid ko. Kasi naman yung binili kong garmin, ninakaw. Biruin mo, last december, someone broke into my car, smashed my windows, and took it. Sobrang sakit sa loob ko, syempre attach na ako doon sa binili ko, and syempre expensive din. Namputsang magnanakaw na yun. Sana tamaan ng kidlat. Anyway, I reported it to the police naman. Ang dami rin kasi ng mga maiitim ang budhi dito. Kahit saan naman sigurong lupalop ng mundo, merong masamang tao and kontrabida. So kailangan lang talagang mag ingat. its a hard lesson for me na natutunan ko na. But I try to always see the goodness in people. Pero syempre, pinapakiramdaman ko pa rin, baka mamaya masamang tao pala at ma-rape ako ng di oras. But spring is here, so its bringing smile into my day.

Tuesday, February 24, 2009

Leona Lewis - Sorry seems to be the hardest word

NGO Worker

bata pa lang ako, hilig ko na talagang mag volunteer. Hilig ko ng makialam sa mga social issues, at maging pro-active participant bilang kabataan. I became more involved during my high school years. Nasali ako sa mga youth organizations sa qc. Isa dito, yung SIKAP or Sibikong Kabataang Pinoy. Namulat ang aking social consciousness, at tumulong sa mga programang related sa kabataan. Pero syempre, pagdating ng college, naging mas naging priority ko ang pag-aaral. Dumating din ako sa stage ng aking buhay, kung saan nag-rebelde ako, naging confused, and nag explore ng iba't ibang bagay. Lalong lalo na nung natikman ko na masarap pala ang sex. Pero syempre kasama nung pakikipag one night stand at pakikipag relasyon yung mga takot na baka makakuha ako ng sakit. Nung panahon na very active ang aking sex life, doon ko rin naisipan na mag volunteer sa Remedios AIDS Foundation. Umattend ako ng kanilang workshop para maging AIDS hotline counselor. Yung tipo na ikaw ang sasagot ng phone at magbibigay ng impormasyon or counseling sa mga taong tumatawag. Syempre, para maging effective ka, kailangan mong dumaan sa mga training. Di ka naman nila kaagad isasabak na di ka pa handa. Dito ko nakilala yung mga bago kung mga kaibigan. Nandyan si uly, ate john, ate greyz, ate ana, mila, iano, at marami pang iba. may mga naging kaibigan din akong positibo sa HIV na nagbigay ng testimony at that time, sina ate liza, gina, archie, kuya mar. Dami kong natutunan sa kanila. Doon, tanggap ka nila, kahit ano pa ang pinag daanan mo sa buhay. Nung nakapag simula na ako sa hotline, may mga ibang oportunidad pa na dumating. Natuto akong mag outreach work. Nandoon na pupunta kami sa mga tinatambayan ng mga sex workers, para magbigay ng edukasyon, counseling at condom. Andyan na hatinggabi, naglalakad kami sa sta cruz, manila, o sa ermita. Nandyan na dayuhin namin ang mga clubs at bars, pati na rin ang mga sinehan, na maraming himala ang nangyayari. Marami akong natutunan sa mga tao na nakasalamuha ko. Nakilala ko sila, at naging mga kaibigan, at in a way, mas naunawaan ko ang kanilang pinagdadaanan. Natatandaan ko na muntikan pa kaming mabagansya, or kikilan ng mga pulis. Sobrang nakakatakot, pero exciting. Feeling ko may kabuluhan ako sa mundo, dahil may ginagawa ako para makatulong. Pero syempre, may ulterior motive din ako. Dahil gusto ko rin na tulungan ang sarili ko. Nasubukan ko rin kasi na mag sex work, hindi dahil sa pangangailangan, kundi dahil sa trip ko lang. Somehow, nahanap ko ang sarili ko sa pagrerebelde ko. Isang mahirap na proseso, pero naging masaya ako. Ilang taon din ako na naging outreach worker, hanggang sa nag apply na ako sa kanila ng trabaho. Naging project coordinator ako ng isa nilang proyekto. Mahirap ang trabaho, kasi multi tasking. Naging pangalawang tahanan ko naman ang tondo, dahil doon ang target ng proyekto. Syempre, takot din ako, kahit papano, dahil sa nabuong notion sa isipan ko na maraming masasamang tao sa tondo. Pero doon ako nagkamali, dahil sa ilang taon ko na pag outreach work doon, kahit gabi, ni wala man lang kahit anong masamang nangyari sa akin. Mas naging matatag ako ngayon dahil sa pinag daanan ko. hindi ako naghihinayang na naging NGO worker ako, at naging bahagi kahit papaano ng mga taong natulungan ko.

gero years

One of the best memory I have sa aking pursuit for advancement ay ang pag-enroll ko sa MA in gerontology sa St. Joseph’s College. After finishing nursing nuong 2005, diretso pasok ako ng Masters.
Unang na-meet ko, si Joey, isa sa mga naging buddy ko sa klase. Pero ilan lang naman kami, like sampu lang yata kami sa klase. Kakatuwa, kasi iba iba ang mga backgrounds namin, at iba iba rin ang age range. Like meron akong classmate na mga madre, may PT/OT, commerce, nurse, dating seminarista, vice president ng isang university, at marami pang iba. Kahit na iba iba ang mga pinanggalingan namin, at kinamulatan, nandoon ang passion ng bawat isa para matuto, at makatulong. Saka di mo mararamdaman na out of place ka, lahat nagtutulungan, parating masaya, pati professor namin, like sina Doc. Sayo, Doc. Carol, Sir Mau, masaya din.
Syempre, every sem, may mga bagong salta, mga bagong mukha. Nadadagdagan ang grupo, pero meron ding umaalis dahil gradweyt na. Pero di pa rin sila nawawala sa samahan. Tandang tanda ko pa nung mag-practicum kami sa San Lorenzo home for the elderly, na pinapatakbo ng mga madre. Gagawa kami ng mga activity para sa kanila, magka-counseling, at iba pa. Iba ang fulfillment pag nakakatulong ka ng ibang tao. Pero ang di ko makakalimutan, ang Camillus medhaven. Isa sa mga classmate ko, si ate nilda, ang nurse supervisor doon. Ilang buwan din kaming namalagi para magpracticum doon. Ang layo pa naman, ehh usually manggagaling pa ako ng las pinas. Pero di ako nanghinayang sa pagod, at pamasahe na ginugul ko, kasi sulit talaga. Ibang klaseng samahan ang nabuo, at yun ay di ko makakalimutan. Kina Hilda, joey, paul, mama, ate nilda, doktora, kuya sam, sister Hilda buhay, janet, mike, cez at iba pa, salamat at nakilala ko kayo.
When I came here sa Amerika, while preparing for the PT stateboard, nag review kami ng mga kasamahan ko sa New York. Laking gulat ko ng makita ko yung isang classmate ko rin sa MA na si Cez. Small world talaga, pero sobrang happy. She's also a pinoy PT and a gerontologist from Europe. Sobrang bonding namin nung time na yun, kasi it was both our first time in the big apple, along with our other friends.
For me, forming friendships with these people is an experience i will never forget. Im still looking forward na makita ko kayo ulit when I go for my vacation.
Thanks for everything!!!!

My Zodiac


The sure-footed Mountain Goat can climb to higher altitudes than any other mammal. And you sure-footed Capricorns are also well-suited for climbing. Capricorn sets high goals for yourself and then you overcome whatever obstacles may appear between you and the top of your personal mountain. As Capricorn climbs the ladder of success, your ambition pushes you forward. Status can be important to Capricorn and often, at the top of your game, you gain personal satisfaction by knowing that others respect you for what you have accomplished.

Capricorn can dance out on the edge of a cliff, but will never fall. Why? Stability plays an important role, but so does practice. As a typical Capricorn, you may appear reckless, but chances are that your actions will have been very well planned, and probably also rehearsed. Capricorn is always calculating what will happen if you do something. You Capricorns are energetically conservative, only expending enough to get you to where you want to be. No silly impulsive actions for you. This is your best insurance to get to the top of the mountain.

The Capricorn motto might be Milton Berle's "If opportunity doesn't knock, then build a door." But this doesn't mean that if there are no mountains to climb that you must build the mountain. For you, hardships can be your path to fulfillment, but for the sake of happiness, it would be good for you to learn to appreciate what you have, instead of always striving to reach the next plateau.

Element: Earth

Earth signs are naturally practical. In this lifetime we are bound to Earth. There is no escaping the reality around us. The Earth is about as real as it gets; it can be felt, weighed and it has substance. Accordingly, the earth signs base their life on what is real, not what is imagined. Sensation is valued over thoughts or feelings. Earth signs live with their feet on the ground. Others seek their advice because of their basic sensibility. For earth signs, seeing is believing. The earth of Capricorn is that of foundation and structure. It's about having a stable base so we don't build our life on shifting sand. Even the great mountains earth, and if it weren't for their foundational integrity, we couldn't climb upon them. Tenth House:

Career

The Tenth House is the House of the Father. It is where we pursue the outer world, which is often related to our career. This isn't about our personality. It's about how the outer world sees us through the role we play in it. It is here, in the Tenth House, that we look to find out about status and recognition.

Key Planet: Saturn

Saturn, the ringed planet, is etymologically tied to the word "Satan." But, as demonstrated in the Tarot, the "Devil Card" is not a bad card. It's only difficult if we've made the deal with the devil that we believe the physical world is all there is. Saturn is the planet of boundaries and limitations. If we succumb to those limitations, we are doomed to live within the laws of cause and effect. But if we do the hard work of spiritual practice, we can be rewarded by the wisdom that exists beyond the material plane. As the key planet for Capricorn, Saturn does symbolize that we get what we deserve. Take shortcuts in life and we'll meet up with problems later on. But if we do things with integrity, then the rewards will be ours.

Capricorn Greatest Strength: Your ability to overcome obstacles

Capricorn Possible Weakness: Too much work and not enough play




Saturday, February 21, 2009

growing up

Paki-alamero din ako ng mga gamit sa bahay. Mahilig akong magbusisi pag wala akong magawa. One time, doon sa tukador namin sa living room, may nakita akong babasahin na nakatago. Porno magazine pala yun ng nanay at tatay ko. Sabi ko, ang swerte ko naman. So, gabi gabi, pag may pagkakataon, parati ko itong tinitignan, hanggang hilahin ko ang ang aking mga nakatatandang kuya at ate, para makita din nila. Laking gulat ko ng isang araw, may napunit na pahina doon sa magazine. Nahuli tuloy kami, ngunit ang pinagalitan ng todo ay yung eldest brother ko. Wawa naman noh, ako yung pasimuno, iba yung napag initan. Anyways, marami pang insidente na nagpamulat sa akin sa kamunduhan, pero ibang kwento naman yun.
Dumating din ang panahon na naghirap ang pamilya namin. Natapos ang irrigation project sa bicol, kaya nalipat ang tatay sa mindanao. Wala kaming nagawa kundi lisanin ang probinsya at tumungo sa maynila, sa nirerentahan ng lola at antie ko. Bale, nakatira sila sa may squatters area ng qc. Nalipat kami ng school din. Since dalawang taon na lang, gagradweyt na ang kuya ko sa high school, kaya nag paiwan sya sa bicol. Kami naman, kasama ng nanay ko, lumipat kami ng maynila. Doon sa syudad mas lalo akong namulat, di lamang sa kamunduhan, pati na rin sa kahirapan. Kung bibilangin mo kung ilang pamilya ang nakatira doon sa squatters area, magugulat ka siguro. Madilim, madumi, mabaho, ang daming tao, ang daming tambay na nag-iinuman. parating may nag aaway, nag sisigawan. Dahil sa wala nga kaming pera, nalipat ako sa isang public school. sobrang adjustment din sa akin, dahil ibang iba pag public school pala. Walang naglalaro or nagtatakbuhan pag recess, yung mga klasmeyts mo, iba ang tingin sa yo, ehh di pa naman ako magaling mag tagalog nun. Pero syempre, kahit saan ka naman ilagay, kailangan mong mag adjust at makisama. Sa bahay, minsan walang padala ang tatay ko, kaya puro utang sa sari sari store ang ginagawa namin. Minsan, nagtitiis sa asin at kanin, pero nakakaraos din naman. Ganun talaga kung mahirap ka, kailangan pag kasyahin mo kung ano meron ka. Ilang taon din namin tiniis ang ganuong sitwasyon. Naranasan ko ang kasaganahan, at kahirapan, kaya masasabi ko, na kahit saan man ako dalhin ng aking kapalaran, mawala man lahat ng karangyaang tinatamasa namin ngayon, kaya kung mabuhay kung babalik kami sa kahirapan.
to be continued................

Friday, February 20, 2009

growing up years

looking back during my childhood years, i still remember a lot of things. Elementary was memorable for me. I actually attendend an all boys catholic school na pinapatakbo ng mga pari. I remember nung enrollment nung prep 1, kasama ko nanay ko, and the teacher who interviewed me asked me to state my name, age and address, which i was able to do, but with some pronounciation problem. I often have a problem with the letter R, as in rrrr, heehehe, napapalitan ko ng L tuloy, dahil bulol. Then, teacher asked me to count from 1-10, which i wasnt able to do, kasi napagpapalit palit ko ang mga numbers. Ang saya noh, hehehe!!!! Pero ang funny is di ko alam ang aking left sa aking right, Fu*k**g shit talaga, hehehe. Bata eh, anong magagawa nyo. I think i was around 5 or 6 years old at that time. But they accepted me, and so my journey started. First day ko sa school, nung uwian na namin, tinaguan ako ng yaya ko, kaya super iyak ang lola nyo. Ehh itong yaya ko kasi at that time, lumalandi doon sa boyfriend nyang driver, na later on, sila din ang nagka-tuluyan. Anyways, i enjoyed my elementary years, daming kalaro at friendship na nabuo. Vivid memories nung grade 1, may pinapa-spell na word sa akin, at di ko ma-ispell, hehehe, kinurot ba naman ako ng teacher ko, bwisit. Nandyan yung nakipagsapakan ako doon sa isang klasmeyt ko, na kalapit bahay din naman. Aba, sinabunutan ko ng todo, hehehe, kala nya siguro babading bading ako. Pero naging magkaibigan din naman kami. Then, I had my first communion, which was very memorable. Bigtime kasi sa school namin yun. May plaque na ibibigay attesting yung event. That was when i became religious. Parati na akong nagsisimba, at nagko-communion. Andyan din yung every month, required kami na mangumpisal. Kakatuwa, kasi minsan di mo alam sasabihin mong kasalanan. Feeling ko at that time, gustong gusto kong maging madre.....ay pari pala, hehehe!!! Pero all that changed nung namulat ako sa kamunduhan. Paano ba naman, itong tatay at nanay ko, minsan, nanood ng porno films, at syempre, dingding lang ang pagitan, kaya dinig na dinig ang mga ungol. Sobra akong na-curious, to the point na gusto kong panoorin kung ano yung pinapanood nila. That time, betamax pa kasi, at inaarkila lang nila ang mga tapes. Siguro, mga grade 3 ako nung nagkalakas loob ako na gawin ang bawal. Lahat kasi kami pumapasok, at walang naiiwan sa bahay. Yung mga katulong naman namin, parating nasa galaan. Kaya one day, dali dali akong umuwi, para unahan silang lahat. Nanginginig ang aking buong katawan sa excitement at kaba, hinanap ko ang mga betamax tapes na may xxx. Dali dali kong pinasok sa betamax player ang tape, saka lumabas sa picture tube ang aking minimithing mga kantutan. Wow, sabi ko, ganun pala yun. Pinanood ko ng ilang minuto, saka ako may narinig na paparating na mga yapak. Dali dali kong tinanggal ang tape. Huh!! grabeh, muntikan na. Katulong pala namin ang dumating. Doon siguro nagsimula lahat ang mga pagnanasa ko sa buhay. Doon ko rin napag tanto na hindi ako puedeng maging pari, hehehe!!!!!


to be continued...............

Thursday, February 19, 2009

oh my gulay

here i am again, walang magawa ngayon sa buhay. I had an emergency surgical operation last week, due to appendicitis. Grabeh, sobrang sakit na kasi sya. And the fucking thing is, i dont have a health insurance. Diba ang saya. And ive been working with my company for several months na, and ive been bugging them na wala pa akong health insurance, and now it came down to this. I was able to talk to my employer, and she said, may mga papers daw akong di na nasagutan, and the Human Resources are blaming me why i still dont have an insurance. Buhay nga naman, daming gustong mag palusot. And my employer wont even support me with my medical bills. Paano ka gaganahan mag work nyan. They told me na they are gonna send me another set of of forms to fill up, and they will fix my health insurance. I said, its too late na, since di naman puede idelay surgery. My gulay talaga. Kung di ka ba naman mapapamura.
Thats the reason why i have time to blog, kasi im still recuperating pa rin dito sa bahay. I'll be back sa work on monday. I really would need the money to pay my debts. Akala ko makakatakas na ako sa utang, and this thing happens.
Pero syempre, im thankful na buhay ako, and sabi nga ng nanay ko, kikitain ko rin daw yun. Im planning on getting out of this company by august. Im still under contract with them, since they were the one's who brought me here, but im planning to buy out my contract.
Ayaw ko ng nakatali, i wanna be free, hehehe!!! and i wanna have my vacation this year para makauwi ng pinas. Im confident i'll surpass this period in my life.

Amerika

When I came here sa Amerika, I thought magiging kontento ako, because my dream has been fulfilled. Halos lahat kasi syempre ng mga nasa medical field, ultimate destination ang ‘tate. Pero syempre, masarap lang mag trabaho dito, kasi dollars ang bayad. Other than that, mas masarap pa rin buhay sa Pilipinas.
My first few months here was really a struggle. Although i have my family with me, dami ko pa rin talaga adjustments and coping up. Di mo maiwasan maiyak minsan, pero syempre, ganun talaga siguro pag nawalay ka sa bayan mong sinilangan at sa pamilya mo.
Pero sabi nga nila, life goes on, and you have to keep up with the pace. You meet new people, and new friends, and you create your own social circle. Saka, magkakaroon ka rin ng maraming utang, kakagamit ng credit card para mabuild ang credit line mo. You’d be able to buy your own new car, laptop, gps, and a lot of things, kasi you can afford it na. Tutal, magkano lang naman ang monthly payment nun, kasi nga utang. Wag mo rin kakalimutan magtabi ng pera para makapag padala ka sa ‘Pinas. Syempre, ayaw natin nahihirapan yung mga kaanak nating naiwan, especially since tumaas na ang presyo ng maraming bilihin, kuryente, telepono, renta sa bahay. Yung padala mo na $600, hindi na syempre kasya. Dapat doblehen mo na, dahil depreciated na ang pera ng Amerika.
Marami pa rin akong plano sa buhay. Hindi na para sa akin, kundi para sa pamilya ko. Gusto kong magkaroon ng sariling bahay syempre sa Pilipinas, kasi nagre-rent lang kami doon. Gusto kong bilhan ng kotse ang tatay ko. Gusto kong tulungan yung iba naming kamag-anak na naghihirap.
Daming plano, pero na-realize ko na kaya ko nang gawing realidad ang mga yun, basta magsisipag akong magtrabaho at magtatabi ng pera para makapag-ipon. Kung nandyan ako sa Pinas, di ko siguro magagawa ang mga plano ko. Malabong malabo, kasi nung nagtatrabaho ako dyan, pinakamataas na monthly sahod na natatanggap ko, nasa 15 thou pesos lang. Dito, kaya mong kitain ng isang araw na trabaho yun, may sobra pa. Kailangan lang talaga ng sakripisyo.
Buti na lang may filipino channel, kahit papaano, napapanood mo ang traffic sa Edsa, nasusulyapan mo ang MRT, bus at jeep at mga kababayan mo. May mga programa ka ring mapapanood tungkol sa kahirapan na pinagdadaanan ng mga naiwan nating kababayan, at mare-realialize mo na maswerte ka dahil maganda na ang buhay mo, at may tsansa ka na makatulong sa iba. Kaya di parin ako nakakalimot na tumulong, kasi dapat marunong kang mag share ng blessings mo para patuloy kang bigyan ng pagpapala ng Diyos.
Inaasam ko parin na makauwi sa bawat bakasyon ko. At matupad ang mga plano ko. Kaya kitakits tayo pag uwi ko, lalo na sa mga pamilya kong naiwan, at mga kaibigan ko sa St. joseph, perpetual, eac, remedios, tlf at iba pa.