Sunday, June 20, 2010

Mangarap ka

Libre lang ang mangarap. Kung malawak ang imagination mo, the possibilities are endless. Pero kailangan nakasayad pa rin sa lupa ang mga paa mo, kasi pag nangarap ka, kailangan, may gagawin ka, para matupad mo ito. Ang edukasyon ang bridge mo, para magkaroon ka ng opurtunidad na magawa mong maabot ang iyong mga pangarap. Hindi ako naniniwala sa swerte. Lahat ng bagay, syempre, pinaghihirapan. Isang sangkap pa na kailangan meron ka, eh dapat street smart karin. Ang edukasyon, di lang sa classroom. Pag nasa kalye ka na, at nakakasalamuha mo na ang iba't ibang klase ng tao, matututo ka ng iba pang life skills sa buhay. Dapat may takot ka rin sa Diyos. Kasi maraming shortcuts na puede kang gawin. Basta wag kang manglalamang or mangloloko ng iyong kapwa. Dapat rin, di mawawala ang enthusiasm mo na mabuhay. Kasi marami kang beses na madadapa. Never give up, ika nga. Ang greatest moment ng pag attain mo sa pangarap mo, ay yung punto ng pagbangon. Kaya ano pang ginagawa mo? samahan mo na akong mangarap!

No comments:

Post a Comment