Si Jun2, sya ang pinakamatanda sa aming magkakapatid. Nakarating sya ng Amerika dahil may nag-sponsor sa kanyang employer. Graduate sya ng kursong engineering sa isang sikat na paaralan sa maynila. Bago sya umalis, ang dami nyang iniwang mga pangako na tutulong sa amin. Nung nakarating na sya ng Amerika, biglang napako ang lahat ng pangako. Mabibilang mo ang beses kung magpadala sya, na di naman sapat, dahil marami syang utang na iniwan sa kanyang credit card. Minsang nagpadala sya ng pera, syempre tuwang tuwa kami. Nalaman na lang namin ng huli na hindi pala sa amin ang perang ipinadala nya. Yun daw ay para sa isang kaibigan nya na nangangailangan ng tulong. Syempre, nagastos na namin ang pera. At that time, may problema din kami financially. Wala man lang syang pakialam na tumawag at mag usisa sa aming kalagayan. Hanggang sa tuluyan ng hindi na sya nagpapadala sa amin. Tuluyan nya kaming kinalimutan. nagpakasarap sya, parating gumigimik kasama ang barkada at kinalaunan, nakabuntis at nag asawa. Hanggang dumating ang panahon na nawalan sya ng trabaho. Tumira sila ng nung asawa nya sa nanay ko. Inasa nila ang buhay nila kay nanay, na di nag-atubiling tumulong sa kanila. Pero kahit na sila'y naghihirap, parang hindi mo sila kakikitaan ng pagtitipid at pagsusumikap. Lahat ng pang-araw araw nilang gastusin at pangangailan, shoulder ni nanay. Pati sa immigration papers nila, ilang libong dolyar na ang nagagastos na kung iko-convert mo ay ilang milyong piso na ang katumbas, pero hindi pa rin ayos ang papel nila hanggang ngayon. Marami syang mga kasalanan di ko pa kayang patawarin. Until now, kargo pa rin ni nanay ang responsibilidad para sa buong pamilya nya. And to think na sya ang pinaka-matanda sa amin at may asawa na sya. At this moment, pinag-aaral sya ng nursing ni nanay. Hindi kaya ng puso ko na tulungan sya, dahil kami ng kapatid kong babae ang umako ng responsibilidad na iniwan nya sa Pilipinas. Para sa akin, marami ng chances na binigay sa kanya na sinayang niya. Kung mabasa mo man ito, gusto kong malaman mo na parati kang kasama sa prayers ko. Pero enough is enough, tama na ang pang aabuso na ginagawa mo sa family natin. Hindi ko nakikita ang effort na gusto mong baguhin ang kapalaran mo. Dahil sa mga ginawa mo, nawala na ang respeto ko sa yo. Dumating man ang panahon na magkita tayo, ipamukha mo na lang sa akin ang lahat ng sinabi ko. But for now prove me wrong. Have the balls naman to take responsibility for your family. Wag mong iasa sa amin ang buhay mo. Lumingon ka naman sa pinangalingan mo.
i know that you are so passionate of how's life treated jun and and how he treated life. but despite and inspite of chances not maximized, opportunities not fully realized or dreams not fully transformed to reality, he is still your brother!hope you will soon realized that he needs your help, in any other way possible. i know that you have a kind a heart!
ReplyDelete